Friday, August 30, 2013

Buhos

Hayaan ang buhos ng mga salita mula sa pluma
Ipinta ang daloy ng bawat letra hangga't matakpan
ang kalumaan ng kwadernong muntik nang makalimutan

Asul para sa pag-asa
Puti para sa pag-ibig
Dilaw para sa kaligayahan
Pula sa pakikibaka

Punuin ang bawat pahina.
Ibaon sa tula at pintura.






Tuesday, August 27, 2013

#ScrapPork


Dugo't buwis-pawis
naghalong pagod at panalangin
isa, dalawa, tatlo
Diyos lang ang makapagsabi kung magkano.

Tama bang agrabyado
na naman tayong mga Pilipino?
Halos silaban ang sariling paa
sa pagtatrabaho, para ano?

Para kanino?
Sino nga ba ang hari ng mga Pilipino?
Tayo, mismo, dapat tayo
hindi ang mga baboy ng gobyerno.

Walang dayuha't baboy ang gagapi.
Tayo ang huling may sabi:
Tayo ang hari,
wala na sa'ting aapi.


Friday, August 23, 2013

In memoriam

Death
offers no peace
for the living.

Sentiments profusely offered
well-meaning to soften the blow
fall on deaf ears 
plugged with the question ---

Have we done 
everything we can?

A hand plunged into an empty room,
save for careworn books
and a bottle of calming oil,
fails to answer ---

What is the average amount
of time needed to accept 
the loss of someone
dearly loved?

All the unnecessary steps
we take to convince ourselves
enough is enough
flitter uselessly in the sea of people
bearing one face ---

that of who we lost.


---
Because I see her everywhere.



Thursday, August 1, 2013

Utterance




People
Places
Circumstances

Photographs of almost faded memories
the seeking, the chance meetings
of returnings and leavings
seen
unseen
desperate almost glimpses

A symphony
Silhouettes of broken soliloquies.


---
29 March 2012
Crux.