Tuesday, June 5, 2012

Unang Kaganapan


Nilakbay ng mga salita ang karagatan
ng tunog at tulang ikaw at ako.

Tumagos ang mga ito sa banayad na usok ng sigarilyo
na pinunan ng alak gamit ang mga sarili.

Hindi mapigil bagamat tipid ang pagtingin,
ang pagtitig sa kung ano ang maaari.

Nasa laylayan ang pananabik.
Dahan-dahang aalisin ang pagkakatupi hanggang sa mahanap ang balat.

Itong kiliti, nakakatakam.
Nakapaglalaway.


---
Dahil minsan tinanong mo 'ko. At alam kong hindi mo na maalala. Tagay na.


No comments:

Post a Comment

Say something! And you don't even have to rhyme or wax poetic.