Showing posts with label chos. Show all posts
Showing posts with label chos. Show all posts

Wednesday, May 2, 2012

Whatever

Hindi ang nalaman mong hindi ka papasang cum laude ang pinakaayaw mong pakiramdam sa mundo. Hindi rin ang nalaman mong hindi ka makakauwi sa semana santa kasi maraming trabaho sa opisina kahit pa mahigit isang taon mo nang hindi nakakasama ang mga mahal mo sa buhay. Ang p-------------- pinakaayaw mong pakiramdam sa buong p---------------- mundo ay iyong malaman mong may ibang gusto ang babaeng gusto mo, iyong tipong inamin mo na sa sarili mo na alaala pala niya ang isa sa mga pinakainiingatan mong bagay. Parang bumulusok kang bumagsak bago ka pa magsimula; parang pinatay ka na bago ka nabuhay. :)