Wednesday, July 25, 2012

Pa[gta]tapos

madali na para sa atin ang lumayo
sapagkat patapos na ang ating kuwento.

ating bibitawan ang huling alaalang
marahil sadyang walang puwang

sa paraisong hinulma
mula sa pirapirasong puso.

bubuksan ang palad bilang pagtatapos
at hahayaan ang muling paglalakbay

ng mga kapalarang iba-iba ang tangan
sabay papakawalan ang galit kung bakit

sa paglaho ng mga alaala
hindi mabura ang sakit.

---
La tristesse durera toujours.


---
For Belle. Believe me, sometimes one word is all it takes and the poem will write the greatest story. Merci!

No comments:

Post a Comment

Say something! And you don't even have to rhyme or wax poetic.