Friday, October 12, 2012

Sulong


Panalangin ang bawat minutong
pumapatak mula sa mga sandaling
kinulayan at hinulma ng mga
mapagmahal na palad.

Kinukumutan ng titig
sa pagnanais na hilumin
ang anumang bahaging
kinukulang sa halaga.

Ganito ang pag-ibig:
Babaybayin ng pandama
ang bawat pangyayari,
lalanghapin ang bawat pagtatangka.

Ipaglalaban upang
maging katotohanan
ang bawat maaari.
Ganito tayo: mandirigma.

Lalabanan ang panahon
at pagkakataon
sa matinding paghahangad
na mahalin din tayo ng tadhana.


No comments:

Post a Comment

Say something! And you don't even have to rhyme or wax poetic.