At sa pagtatapos ng Buwan ng Wika, ito ang isang tulang inaalay ko sa kanya -- ang natatangi -- na nagbigay kulay at nagpasaya sa buhay kong dati ay magkahalong maputlang abo at puti.
Mahal,
Habang binibigkas ng mapupula mong labi
ang mga katagang --- Mahal Kita
pansinin ang paglaho ng ulang sing-itim
ng imbornal na barado,
ang paglisan ng kung anumang takot
na nananahan sa pobre kong puso.
Salamat, Mahal,
sapagkat sa iyong pagdating,
iisa na lamang ang kulay ng langit,
ng lahat na nababalutan ng iyong pag-ibig.
Showing posts with label anew. Show all posts
Showing posts with label anew. Show all posts
Friday, August 31, 2012
Friday, August 10, 2012
Kambyo
Diretso't sigurado ang mga hakbang mo.
Walang takot, kahit aminadong masikip
pa rin ang pasilyo ng puso ko.
Lakad lang, Mahal,
pasikut-sikot man ang mga daanang ito
at walang nakakaalam sa maaaring
maging hantungan nito.
Pero nandito ka na rin
at narito din ako.
Pakiusap, huwag ka munang lumayo,
huwag munang kumambiyo.
---
Naks.
Thursday, August 9, 2012
Bagong Kabanata
Bago pa muling dumilim,
aking lilisanin ang lubak-lubak
na daan at lusak ng iyong alaala
patungo sa kung saan
Siya naghihintay,
siya na may dala-dalang liwanag.
May kung anong saya
ang sumalubong
sa aming banggaan
kung saan magsisimula
ang panibagong kabanata.
Sabay lalanghapin
ang mga bahaging bagong buklat
upang matuklasan ang muling salaysay
sa kasaysayan ng bawat
tibok ng pusong
tahimik na nakadiin
sa kasalukuyang pahina.
Bagamat walang masabi
hindi mapigil ang panalanging
Mahal, sana ikaw na nga.
---
And you thought I had nothing for you.
To she who makes me smile a lot, a lot.
aking lilisanin ang lubak-lubak
na daan at lusak ng iyong alaala
patungo sa kung saan
Siya naghihintay,
siya na may dala-dalang liwanag.
May kung anong saya
ang sumalubong
sa aming banggaan
kung saan magsisimula
ang panibagong kabanata.
Sabay lalanghapin
ang mga bahaging bagong buklat
upang matuklasan ang muling salaysay
sa kasaysayan ng bawat
tibok ng pusong
tahimik na nakadiin
sa kasalukuyang pahina.
Bagamat walang masabi
hindi mapigil ang panalanging
Mahal, sana ikaw na nga.
---
And you thought I had nothing for you.
To she who makes me smile a lot, a lot.
Saturday, July 7, 2012
De novo
Say we surrendered to the act of forgetting. Allowed the slow
passing of our senses, lost in the movement
of fading into absence -- wave adieu
as they exit the broken doors of our hearts
to slip through the slits of our fingers.
Say the first to leave is sight, a wave of nihility in its wake
save for a fog of apology as it clothes our world with darkness,
to have touch and taste follow suit. Straining for sound
we get nothing for hearing has thereafter left
with nary hiss nor hoom.
Say the last to leave is our voice, forfeiting
our right to ask of the world
that has nothing left to offer.
Nothing left to tell of our story
that we are not given time to remember.
Say would you be willing to want this?
To go as far as forgetting, no longer
be bound by memories deceitful?
Would you? Forget and be
something else, someone else
with me. Shall we?
Make it new.
Subscribe to:
Posts (Atom)