Showing posts with label smoke signals. Show all posts
Showing posts with label smoke signals. Show all posts

Monday, July 2, 2012

Ano ang naiwan?

Mistulang nilamon ng ulan ng iyong pagkawala ang baga
ng damdaming minsang umawit sa kagalakan.

Walang takas
ang nalulusaw na mga ngiti,
nangingisay na mga kamay na walang mahawakan,
at nangangalawang na bibig 
mula sa dumadausdos na tubig
ng kawalan.

Tanging ang usok na dala nitong pagbulusok ng puso
ang naiwan sa iyong paglisan.

---
Into the abyss.