Showing posts with label resolve. Show all posts
Showing posts with label resolve. Show all posts

Friday, March 30, 2012

In which I can't stop writing


Delubyo

Walang pakundangan ang pag-agos ng mga itim na luha sa mga namumula kong pisngi. Pagod. Pagod na'ko sa kakaiyak. At sa kakaisip. Ilang gabi din kitang hinintay, ilang gabing ibinaon ko sa alak ang delubyong dulot mo sa pobre kong puso.

Ngayon nanunumbalik ang mga alaala mo, mga alaala nating dalawa. Ang mga lasing na simula. Mga patagong halik sa kwarto ni Tina, ang mahigpit mong yakap sa hagdan habang nakatalikod si Cara. Ang muling pagkikita at ang pagpapasya na, "Ano? Akin ka na lang ha."

Mistulang bagyo kang dumating sa buhay ko. At nagpakalunod ako sa paanyaya ng iyong matatamis na halik at sa mga nakakahumaling mong bulong, dala ang pangako ng marahas at madamdaming pagtatalik. Puso, katawan, buong buo kong inialay sa'yo ang sarili ko.

Sayang, at kinailangang humantong sa ganito. Ang palitan ng masasakit na salita, kung saan mangiyak-ngiyak akong nagmakaawa na, "Huwag muna ngayon, saka na natin pag-usapan ito. Saka na. Pakiusap, saka na."

Sa loob-loob ko, "Hindi na. Ayoko na." Bukas na ang mga mata ko sa katotohanang tapos na ang lahat, at walang sukling maiaabot ang nasalanta kong puso kundi, "Patawad, minsang mahal. Huli na ang lahat para sa ating dalawa."

Ganun pa man, "Salamat." 
Tandaan mo, wala nagkasala, biktima lamang tayo ng mapaglarong tadhana. 


Saturday, February 11, 2012

Forgotten November

I remember a different kind of rain one November morning. 
Pouring. It was the rain inside unrelentingly pouring; 
Unshed tears flooding my being. 


Raggedy Anne by Tata, 2010


Amazing what resolve can do to a person.

At the start of the new year I resolved to be happier
more spontaneous
more outgoing
more appreciative
and less wary of people.

I was bullied as a young girl and since then
I began constructing walls around me
and I waited
I waited for that one person who cared
Cared enough to break them down.

When that didn't turn out quite the way I expected
I was devastated
I cried
And cried some more
But yes, tears run dry

Nonetheless, it was necessary I let them be
I let them pour until I could cry no more
You see somewhere I read
Tears are essential to make the eyes see clearly
And see clearly I did

Resolve paid off more than I could ever imagine
I have come to meet new friends
Fabulously, wonderful people
Who give so much
And for that, Maraming Salamat.