Wednesday, May 30, 2012

Mula sa Musa


Para sa Manunulat --- 

Isang malalim na buntong hininga ang sagot ko sa pag-agos ng mga salita mula sa iyong pluma.

Dahil sa unti-unting dumudulas ang mga sandali, parang hindi ko kayang pasanin ang kalungkutang mararamdaman ko kung sakaling dumating ang araw na hindi na ang aking anino ang lililim sa katawan mong magbibigay-buhay sa isang tula.

Natatakot ako na sa bawat indayog ng [mga] buwan dala nito ang mga alaala na ulap na lamang ang nilalaman.

Natatakot ako na hindi na maaari ang mabagal na paglalakbay sa bawat araw sa kagustuhang bawasan ang lawak nitong distansya sa ating pagitan.

Nababalutan ng takot itong aking pag-amin na nais kitang mahalin — sapagkat 
anong sagot 
            ang maisusukli mo 
                                    sa akin?


---
Muted gestures and imaginings. Often it is the writer who captures the words behind beauty and inspiration, bottles up the emotions, and unleashes them on the page. Do you ever wonder -- what of the muse? 


---
True to my editorial colors. Original scribbles from The In-between. Because I'm bored and would like to put the 'use' in amused. Hehe.


No comments:

Post a Comment

Say something! And you don't even have to rhyme or wax poetic.