Sa sandaling iyon
Umiral ang isang tagpo
Nang kinuha mo sa aking kamay
Ang isang tala at ibinalik ito sa kalangitan.
Ang sabi mo:
Mahal, ako lamang
Sa gabing ito, ako lamang.
Sabay tayong maglalakbay
Patungo sa isang banyagang dalampasigan
At doon, mag-aabang ng panibagong buwan.
Kung paano sa mga sandaling iyon
Umiral ang pag-asa, hawak kamay.
Hindi natin namalayan ang paghilum
Ng mga kung anu-anong sugat
Na dala-dala ng nakaraan,
Habang tinatalunan natin ang mga alon
Ng walang pag-aalinlangan.
Ang ating mga tawa umaalingawngaw
Habang tangay natin ang isa’t isa ---
Hudyat ng umuusbong at namumukadkad na simula.
---
If you listen, ever so closely, you will hear my sigh. The sound of feathers, my choosing to nurse this ache happy.
No comments:
Post a Comment
Say something! And you don't even have to rhyme or wax poetic.