Friday, March 30, 2012

Ang Sagot

Ako, Ang Naghihintay

Sa ngayon
ipapaubaya ko sa panahon
ang mga alaala mong likha ng kahapon.
At ibubulong sa tadhana na sana
sa mga sandaling ako'y iyong maalala
muling mabuhay ang mga damdaming pinagsaluhan
nang minsang malasing at ating inangkin
ang gabing sa aking paniniwala
ay sadyang para sa atin.





No comments:

Post a Comment

Say something! And you don't even have to rhyme or wax poetic.